PBA: Magnolia Hotshots, panalo laban sa Blackwater Elite

Pinataob ng Magnolia Hotshot ang Blackwater Elite sa iskor na 97 -87 sa nagpapatuloy na PBA Philippine’s Cup.

Humataw ang Hotshot Players na sila Rome Dela Rosa na nakapagpasok ng 17 puntos at Ian Sangalang ay 16 puntos at 10 rebounds.

Ayon kay Hotshot Coach Chito Victolero, masaya sila dahil matagumpay nilang nasa katuparan ang kanilang target na magwagi bago pa magsimula ang all-star break.


Sa ngayon, nasa ika-anim na pwesto na ang Hotshots sa team standings na may 5-5 win-loss record.

Facebook Comments