PBA | Magnolia Hotshots, tinalo ang Alaska Aces; 77-71

36

Abante na sa 2-0 ang Magnolia Hotshots kontra Alaska Aces sa kanilang best-of-seven finals series sa PBA Governor’s Cup.

Nanalo sa game 2 ang Hotshots sa score na 77-71 kung saan nanguna para sa panalo ng Magnolia ang kanilang import na si Romeo Travis na may 24-points.

Sa interview kay Travis, hindi pa din daw sila magpapakampante kahit na nakuha ang dalawang panalo dahil may kakayahan ang Aces na makabalik at makasungkit ng panalo.

Mapapanood naman ang game 3 bukas (Linggo, December 9) alas-6:30 ng gabi sa Ynares Center sa Antipolo City.

Facebook Comments