HIGPIT SEGURIDAD | Airport sa Davao, may dagdag na bagong x-ray machine

28

Magandang balita dahil kinumpirma ng Department of Transportation (DOTr) na meron bagong x-ray machine ang Davao International Airport.

Unang nagamit ang 5 dual view x-ray machine nitong December 6 lamang.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, dahil sa mga bagong makina mas magiging mahigpit pa ang pinapatupad na siguridad sa Davao International Airport.

Sa x-ray machine kasi dumadaan ang mga bagahe at pasahero kaya at kung magkataon man na may nadalang ipinagbabawal sa airport agad din itong mahaharang ng airport personnel.

Sa ganitong sitwasyon, kampante ang mga pasahero na ligtas sila sa paliparan at ligtas din silang makakarating sa kanilang pupuntahan.

Facebook Comments