PBA – Wala nang mahihiling pa si Magnolia head coach Chito Victolero sa effort na ibinibigay ng kanyang mga manlalaro.
Ito ay kahit dehado sila sa 3-1 kartada sa best-of-seven finals series kontra San Miguel Beermen.
Ayon kay Victolero, alam niyang ginagawa ng kanyang team ang lahat para manalo sa bawat laro kaya hindi siya pwedeng magreklamo.
Kaya kahit mabigat ang down 3-1, nananatiling positibo ang Magnolia.
Apat na laro pa ang kailangang maipanalo ng Magnolia para tuluyang masilat ang kampeonato.
Gaganapin ang game 5 bukas sa MOA Arena sa Pasay City.
Facebook Comments