PBA, pinababawi kay Pangulong Duterte ang utos sa kanyang gabinite na huwag dumalo sa imbestigasyon ng Senado

Nagbabala ang Philippine Bar Association na lilikha ng Constitutional crisis sakaling sundin ng mga cabinet officials ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag sumipot sa ginagawang pagdinig ng Senado.

Sa isang statement sinabi ni PBA President Atty. Rico Domingo, dapat bawiin ng presidente ang kanyang kautusan.

Umaapela rin ang PBA sa mga pulis at sundalo na sundin ang Konstitusyon at tumalima sa anumang hinihingi ng mga senador partikular na ang pagpapatupad sa pagsisilbi ng mga warrant of arrest.


Ang ginawa umano ng pangulo na pagbawalan ang kanyang gabinite ay isang maliwanag na paglabag sa Konstitusyon.

Una ng sinabihan ng presidente ang kanyang gabinete na huwag ng dadalo sa mga ginagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee dahil nasasayang lang umano ang oras at nauuwi lang sa wala ang mga nangyayari.

Hinamon din niya ang mga senador na magsampa na lamang ng kaso sa Ombudsman para doon na lamang sagutin ang mga isyung ibinabato sa mga idinadawit.

Facebook Comments