PBA player ng San Miguel Beermen, sumailalim sa inquest proceedings ng DOJ

Manila, Philippines – Naisalang na sa inquest proceedings ng Department of Justice ang PBA player ng San Miguel Beermen si Dorian Peña.

Si Peña ay naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Anti Illegal Drugs Group sa buy bust operation noong May 10 sa Mandaluyong City at nakuha sa kanyang pag-iingat ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Bukod kay Peña, kasama sa naaresto at na-inquest sa sala nina Fiscal Jocelyn Dugay at Ethel Rea Soril ang dalawa pang mga suspek na sina Leddy Mea Vilchez at Jose Paolo Ampeso.


Si Peña ay nahaharap sa kasong possession & use of dangerous drugs habang sina Vilchez at Ampeso naman ay sinampahan ng kasong sale, possession, use of dangerous drugs at maintenance of drug den.
Samantala matapos ang drug buy bust ay agad na isinailalim sa drug test ang tatlo na pawang nagpositibo sa iligal na droga.
DZXL558

Facebook Comments