PBBM, aminadong marami pang kulang sa trabaho niya bilang pangulo

Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na marami pa siyang magagawang reporma bilang pangulo ng bansa.

Ayon sa pangulo, habang tumatagal siya sa puwesto, mas nakikita niya ang lawak ng trabaho na hindi natatapos at mga serbisyong hindi pa sapat para sa publiko.

Para sa kanya, hindi kailanman mauubos ang kailangang ayusin dahil taon man ang lumipas, may kulang pa rin, may hindi pa rin naaabot, at may panawagang hindi nasasagot.

Giit ng pangulo, ito ang dahilan kaya hindi siya tumitigil sa pagsusulong ng mga proyekto at reporma, dahil kung hihinto raw ang liderato, lalo lamang lalaki ang agwat ng mga pagkukulang na dapat punan.

Facebook Comments