Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa ilang mga senador at kanilang mga asawa.
Batay sa post na ibinahagi sa Facebook ng Unang Ginang, nagkaroon sila ng dinner nitong Lunes, January 13.
Ginanap daw ito sa Bahay Pangulo na official residence ng First Family sa Malacañan Complex.
Kapansin-pansin na wala sa dinner sina Bato Dela Rosa, Bong Go, Grace Poe, Risa Hontiveros at mismong kapatid ng Pangulo na si Sen. Imee Marcos.
Nangyari ang dinner sa mismong araw ng pagdaraos ng National Rally for Peace ng Iglesia ni Cristo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Wala namang detalyeng ibinigay ang Palasyo kung ano ang dahilan ng dinner at kung ano ang napag-usapan.
Facebook Comments