
Hindi natinag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ang mabibigat na paratang ng kapatid niyang si Sen. Imee Marcos.
Sa halip na sumagot, tuloy sa trabaho ang Pangulo at inilalaan ang buong araw sa pag-inspeksiyon ng pinsalang iniwan ng nagdaang bagyo sa Bicol Region.
Unang iinspeksyunin ng Pangulo ang mga winasak na kabahayan sa Garchitorena, Camarines Sur.
Sisilipin din niya ang mga nasirang silid-aralan sa Garchitorena Central School at mamamahagi ng Starlink units sa komunidad.
Tatawid din ang Pangulo sa Tiwi, Albay para tingnan ang kondisyon ng Cararayan–Naga Elementary School, pagkatapos ay magsasagawa ng situation briefing para malaman ang lawak ng pinsala ng nagdaang bagyo.
Matatandaang inakusahan ni Sen. Imee si PBBM at FL Liza Marcos na gumagamit ng ilegal na droga sa anti-corruption rally ng Iglesia ni Cristo kagabi.









