PBBM, biyaheng Malaysia sa Martes pagkatapos ng SONA

Babiyaheng Malaysia si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa July 25, isang araw matapos ang kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes.

Ayon kay DFA Spokesperson Ma. Teresita Daza, inimbitahan ang pangulo ng hari ng Malaysia na magsagawa ng state visit doon hanggang July 27.

Sa nasabing pagbisita, makikipagkita ang pangulo sa hari ng Malaysia saka makikipagpulong kay Prime Minister Anwar Ibrahim para pag-usapan ang mga bagong kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa.


Makikipagkita rin siya sa mga prominenteng Filipino at Malaysian business leaders upang palakasin ang trade at investment at tumuklas ng economic opportunities.

Sabi ni Daza, posible ring i-promote ni Pangulong Marcos sa Malaysia ang kapapasa lang na Maharlika Investment Fund.

Samantala, makakasama rin ni sa state visit ni Pangulong Marcos sa Malaysia si Finance Secretary Benjamin Diokno at ilan pang miyembro ng kanyang gabinete at economic team.

Facebook Comments