Biyaheng Mindanao ulit si Pangulong Bongbong Marcos Jr., ngayong araw para mamahagi ng tulong sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng El Niño.
Ito ay ang Iligan City sa lalawigan ng Lanao del Norte at ang Cagayan de Oro sa probinsiya ng Misamis Oriental.
Alas-10:00 nang umaga inaasahan darating ang pangulo sa Iligan City.
Habang alas-2:00 ng hapon naman ang dating nito sa Pimentel International Convention Center, sa Cagayan De Oro city.
Nung nakaraang linggo ay personal na namahagi ng tulong ang pangulo sa Sultan Kudarat at Zamboanga City.
Matatandaang sinabi ng pangulo na personal na bababa ang Malacañang sa mga lugar na naapektuhan ng El Niño para mamahagi ng tulong.
Facebook Comments