PBBM, dadalo sa dalawang aktibidad ngayong araw

93

Pangungunahan ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) ang dalawang aktibidad ngayong araw.

Batay sa ipinadalang media advisory ng Palasyo ng Malacañang, unang dadalo si President BBM sa Inaugural Executive committee meeting sa Department of Agriculture (DA) na kanya ring pinamumunuan.

Alas-9 ng umaga hanggang Alas-12 ng tanghali isasagawa ng inaugural committee meeting sa Convention Hall ng Bureau of Soil and Waste Management (BSWM) office sa Visayas Avenue Cor. Elliptical Road, Diliman Quezon City.


Habang ang pangalawang aktibidad na dadaluhan ng pangulo ay ang Change of command Ceremony ng Presidential Security Group na gagawin sa Presidential Security Group (PSG) Grandstand sa Malacañang Park sa Maynila.

Ito ay gagawin Alas-3 ng hapon mamaya, kung saan papalitan ni Col. Ramon P. Zagala si BGen. Randolph G. Cabangbang bilang PSG Commander.

Facebook Comments