PBBM, dadaluhan ang panibagong pabahay program ng gobyerno na itatayo sa bahagi ng Valenzuela City

Pagkatapos pangunahan ang pagbubukas ng NLEX Connector Caloocan– España Interchange Connector Road sa lungsod ng Maynila, dadaluhan naman ng pangulo ang groundbreaking ceremony ng panibagong pabahay ng gobyerno sa Arkong Bato, Valenzuela City.

Ang housing project ay may mahigit 20,700 square meter na lupa at itatayo ang 20 na tig-5 palapag na gusali.

Inisyal na 2 low rise buildings para sa 1,200 informal settler families na naninirahan ngayon sa kahabaan ng Tulahan River patungo sa direksyon ng Manila Bay ang ipatatayo sa Disiplina Village, Brgy. Arkong Bato, bilang bahagi ng Phase 1 na nagkakahalaga ng P160 milyon.


Ito ay makapagbibigay ng bahay sa 1.3 milyong informal settler families sa buong bansa, sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino o 4PH program.

Sa ilalim ng build better more housing program, pagbubutihin ang kalidad ng housing units ng National Housing Authority (NHA) na magiging katulad na ng pabahay ng pribadong sektor.

Facebook Comments