Sunday, September 13, 2026

PBBM, hindi nagpapadikta sa survey kahit nangunguna si VP Sara

Hindi alintana ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga survey, kahit nangunguna si Vice President Sara Duterte sa ilang 2028 presidential preference ng publiko.

Sa Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) Presidential Luncheon, sinabi ni Pangulong Marcos na ang kanyang mga polisiya ay nakabatay sa kung ano ang tingin niyang tama at pinakamabuti para sa bansa, hindi sa kung mataas o mababa ang kanyang rating.

Aminado ang pangulo na tinitingnan niya ang mga survey dahil bahagi ito ng buhay ng isang politiko, pero hindi aniya ito sapat na dahilan para baguhin ang kanyang mga desisyon.

Masaya aniya ang pangulo kung maganda ang resulta, at kung mababa naman, ay nais niyang mas mataas sana.

Gayunpaman, hindi aniya siya nagtatagal sa datos ng survery at bumabalik agad sa trabaho.

Facebook Comments