Wednesday, March 18, 2026

PBBM, hiningi ang tulong ng KBP kontra fake news

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa media na makiisa sa pamahalaan para labanan ang pagkalat ng misinformation, disinformation, at fake news.

Sa oath-taking ng mga opisyal ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), sinabi ng pangulo na may mga ginagawa nang hakbang ang gobyerno para matugunan ito.

Kabilang dito ang pakikipagtulungan ng Department of Information and Communication Technology (DICT) sa Google at Meta para mas paigtingin ang pagbabantay sa social media content.

Nakipag-partner na rin ang Presidential Communications Office (PCO) sa print media para sa “oplan kontra fake news” na layong maglatag ng mabilis na sistema para agad masawata ang maling impormasyon at mailabas ang tamang datos.

Dagdag pa ng pangulo, isinusulong din ng administrasyon ang pagpasa ng Right to Information Act, na kabilang sa priority agenda ng 20th Congress.

Facebook Comments