Ngayong araw ay pormal nang magbubukas ang ASEAN-EU Commemorative Summit.
Ngayon ay magkakaroon ng Philippines-EU Business Roundtables at Philippines-EU Business Networking Event.
Sa tanghali naman, oras sa Belgium o gabi sa Pilipinas ang Commemorative Summit plenaries, opening at official welcome gayundin ang family photo ng ASEAN at EU leaders.
Haharap din sa press conference sina EU Council President Charles Michel, ASEAN Chairman Prime Minister Hun Sen, EU Commission President Ursula Gertud von der Leyen at si Pangulong Marcos bilang ASEAN country coordinator.
Sa gabi o Huwebes na ng umaga sa Pilipinas gaganapin ang gala dinner at closing.
Pagkatapos nito ay agad ding lilipad ang pangulo at buong delegasyon pabalik ng Pilipinas.
Facebook Comments