Saturday, March 7, 2026

PBBM, humirit ng “apo” kay Sandro Marcos ngayong kaarawan nito

Nagpaabot ng pagbati si Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang panganay na si Sandro Marcos, House Majority Leader ng House of Representatives of the Philippines, sa pagdiriwang ng kaarawan nito.

Ayon sa pangulo, ipinagmamalaki nila si Sandro dahil sa pagiging mabuting tao nito.

Aniya, hindi niya akalaing ang dating maliit na bata ay lalaking mabait, masipag, at talentadong indibidwal.

Kasabay ng pagbati, pabirong nagtanong ang pangulo sa kanyang anak kung nasaan na raw ang kanyang apo.

Facebook Comments