Tuesday, March 17, 2026

PBBM, ipinalalarga ang ayuda at bawas-singil laban sa oil crisis

Inatasan ni Ferdinand Marcos Jr. ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na magpatupad ng ayuda, fuel subsidy, at bawas-singil upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis at iba pang bilihin dulot ng tensyon sa Middle East.

Ayon sa Pangulo, patuloy na kikilos ang pamahalaan upang mapagaan ang epekto ng pandaigdigang krisis at maprotektahan ang kabuhayan ng mga Pilipino.

May inilaan ding tulong pinansyal para sa sektor ng agrikultura upang matiyak ang sapat na suplay ng pagkain.

Ipinatitigil din ng Pangulo ang paniningil ng pass-through fees sa pagbibiyahe ng palay at iba pang produktong agrikultural, dahil nakapagpapataas ito ng presyo ng pagkain.

May mga hakbang din para sa sektor ng aviation, kabilang ang pagbawas sa ilang airport fees upang makatulong sa pagbaba ng pamasahe sa eroplano, at pagpapaikli sa review ng fuel surcharge para mas mabilis ma-adjust ang airfare kapag nagbabago ang presyo ng jet fuel.

Sa sektor ng edukasyon, iginiit ng Pangulo na bawal maningil ng bayarin sa mga estudyante sa pampublikong paaralan, lalo na ngayong panahon ng graduation.

Facebook Comments