Tuesday, January 20, 2026

PBBM, kumpiyansang hindi uusad ang impeachment complaint laban sa kaniya

Hindi nababahala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (PBBM) sa inihaing reklamong impeachment laban sa kaniya sa Kamara.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Usec. Atty. Claire Castro, personal niyang nakausap ang Pangulo hinggil sa usapin at malinaw ang tindig nito.

Giit ng pangulo, wala siyang ginawang anumang impeachable offense kaya kumpiyansa siyang malalampasan ang reklamo.

Dahil dito, naniniwala ang pangulo na hindi uusad ang impeachment complaint at mananatiling ayon sa batas ang magiging proseso sa Kamara.

Facebook Comments