Nagtalaga muli si Pangulong Bongbong Marcos ng mga opisyales sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Epektibo sa February 7, 2023, itinalaga ni Pangulong Marcos si Romeo Reyes bilang Director IV ng Department of Agrarian Reform (DAR).
Itinalaga rin sina Josemari Hernando at Lita Rosales bilang Director III.
Sa Department of Agriculture (DA) naman itinalaga sina Karen Kristine Roscom bilang Director IV ng Bureau of Agriculture and Fisheries standards.
Itinalaga rin si Paul Limson bilang Director IV ng Bureau of Animal Industry (BAI).
Sa Department of Budget and Management (DBM) naman, itinalaga si Ma. Jozzenne Claire Beltran Carandang at Maria Dionesia Rivera Guillermo bilang mga Deputy Executive Director IV ng Government Procurement Policy Board Technical Support Office.
Sa Department of Information and Communications Technology (DICT), itinalaga ng pangulo si Ella Blanca Lopez bilang commisioner ng National Telecommunications Commission (NTC).
Habang may pito ang itinalagang opisyales sa Department of Labor and Employment (DOLE) ito ay sina Arturo Baesa, Annie Geron, Angelita Señorin at Jesus Villamor sila ay itinalagang miyembro at representante ng Labor Sector sa ilalim ng National Tripartite Industrial Peace Council.
Ang dalawang iba pa na itinalaga bilang miyembro at representante ng Employers Sector Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa CAR ay sina Juan Johnny Dela Cruz at Alfonso Lao.
At si Romeo Sustiguer Jr., ay itinalagang miyembro at representante ng Employers Sector Regional Tripartite Wages and Productivity Board, sa Region 8.
Ang pinakahuling bagong na appoint sa gobyerno ay si Leonel Nicolas na itinalaga ng Chief Intelligence Service ng Philippine Army ng Armd Forces of the Philippines sa ilalim ng Department of National Defense.