Dalawang Pinoy, kumpirmadong nasawi sa magnitude 7.8 na lindol sa Turkey at Syria

Dalawang Pilipino na ang kumpirmadong nasawi sa pagtama ng magnitude 7.8 na lindol sa Turkey at Syria.

Ayon kay Department of Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega, natagpuaan ang dalawang Pinay sa mga gumuhong gusali sa Antakya City sa Turkey.

Sa ngayon ay umakyat na sa tatlo ang Pinoy na nasugatan habang nasa mahigit 200 ang nawawala.


Nailigtas naman ang Pinay na si Cherilyn Santos sa Ankara na naunang iniulat na nawawala habang may apat pang kapwa Pinoy na kasama niya sa gumuhong gusali ang patuloy na pinaghahanap.

Facebook Comments