Nalungkot si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II sa Balmoral Castle, United Kingdom.
Batay sa statement ng pangulo, sinabi nitong nalungkot siya nang matanggap ang balita sa pagpanaw ng reyna ng United Kingdom.
Inilarawan ng pangulo si Queen Elizabeth bilang may dignidad, may commitment sa kanyang duty at devotion sa lahat ng kanyang nasasakupan.
Kaya naman kaisa aniya ang lahat ng mga Pilipino na nakatira at nagtatrabaho sa England ay napamahal na sa reyna, na itinuring nilang ina at lola ng Englatera.
Si Elizabeth II ay reyna ng United Kingdom simula February 6, 1952.
Naging reyna siya ng 70 taon at 214 na araw ang pinakamahabang British monarch.
Kaugnay nito, tumungo si Pangulong Marcos sa British Embassy para pumirma ng condolence book.