Mga gamit sa paggawa ng bomba, natagpuan sa loob ng paaralan sa Lamitan, Basilan

119

Natagpuan ng mga tropa ng 18th Infantry Battalion ang isang bag na naglalaman ng mga panggawa ng Improvised Explosive Device sa loob ng isang lumang paaralan sa Sitio Pandakan, Barangay Parangbasak, Lamitan City, Basilan.

Ayon kay Brig. Gen. Domingo Gobway, commander ng Joint Task Force Basilan, nagsasagawa ang mga tropa ng strike operation laban sa bandidong Saddam Siddick Group pasado alas-5:00 ng umaga kahapon nang matagpuan nila ang mga gamit pampasabog.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng 39th Explosive Ordnance Disposal at narekober ang IED components.


Kasunod nito, nanawagan sa publiko si Western Mindanao Command (Westmincom) Commander Lt.Gen. Alfredo Rosario Jr., sa publiko na agad ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang mga kahinahinalang aktibidad o indibidwal sa kanilang lugar, para mapigilan ang paghahasik ng kaguluhan ng lawless elements.

Facebook Comments