Negosyante sa Cauayan City, Patay matapos Magbigti

29
Cauayan City, Isabela- Kumbinsido ang pamilya ng negosyanteng natagpuang wala nang buhay sa Valle St, Barangay San Fermin, Cauayan City na nagpatiwakal ang biktima sa pamamagitan ng pagbibigti.

Nakilala ang biktima na si Pedro Cabile, singkwenta anyos, may-asawa, businessman at residente ng brgy. District 2, Gamu, Isabela.

Sa ating nakuhang impormasyon mula sa Cauayan City Police Station, nangungupahan lamang sa naturang lugar ang biktima kasama ang kanyang pamilya.

Nang makauwi ang asawa ng biktima na si Ginang Nessie Cabile, 43 years old mula sa Primark dito sa Lungsod ng Cauayan ay agad umano nitong hinanap ang kanyang mister.

Nagulat na lamang umano ang asawa ng biktima nang makitang nakabitin ang katawan ng mister sa gilid ng kanilang inuupahang bahay gamit ang isang lubid na nakatali sa leeg ng biktima.

Agad namang humingi ng tulong ang misis ng biktima at ipinaalam sa mga kinauukulan ang nangyaring insidente.



Tumugon naman ang mga kasapi ng Rescue 922 at Tita ng biktima sa pangyayari subalit wala nang pulso o senyales ng buhay ang biktima.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naniniwala ang asawa ng biktima na posibleng nagpakamatay ang kanyang mister dahil sa financial problem o problema sa pera.

Facebook Comments