Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang bagong Civil Defense Administrator si Ariel Nepomuceno.
Ito ang kinumpirma ng Office of the Press Secretary.
Pinalitan ni Nepomuceno si Ricardo Jalad na matagal ding naglingkod sa posisyon.
Si Nepomuceno ay dating deputy commissioner ng Bureau of Customs (BOC).
Samantala, itinalaga rin bilang National Bureau of Investigation (NBI) Assistant Directors sina Angelito Magno at Glenn Ricarte kapwa dating regional directors ng NBI.
Facebook Comments