
Pagdami ng trabaho, negosyo at pag-unlad ng bawat rehiyon.
Ito umano ang target ng pamahalaan matapos italaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Dita Angara-Mathay bilang bagong kalihim ng Department of Tourism (DOT).
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nagsilbi si Mathay bilang Commercial Counselor ng Philippine Trade and Investment Center sa Tokyo kung saan pinangunahan nito ang strategic partnerships sa mga Japanese industries.
Maituturing daw itong isa sa pangunahing pinagkukunan ng Pilipinas pagdating sa pamumuhunan, teknolohiya at turismo.
Dahil dito, target ng administrasyon na mas makaakit ng investments, suportahan ang lokal na industriya at matiyak na ramdam ng bawat rehiyon ang paglago ng sektor ng turismo.
Dati nang umugong na si Mathay ang ipapalit kay noo’y Tourism Secretary Christina Frasco bago siya alisin sa pwesto noong Marso.










