
Nakatakdang inspeksyunin ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., ang Agora Public Market sa San Juan City.
Kasama ni Pangulong Marcos ang Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI).
Layunin ng naturang monitoring na tiyakin ang sapat na suplay at matatag na presyo ng mga pangunahing bilihin sa gitna ng umiiral na mga hamon sa merkado.
Kanina nagikot na ang ilang kawani ng DA sa mga stall maging ang DTI para makita ang updated na presyo ng mga pangunahing bilihin.
Una nang sinabi ng Trade Department na may sapat na suplay sa mga basig goods at wala magiging pagtaas sa presyo nito sa loob ng 30 araw.
Facebook Comments










