Wednesday, March 11, 2026

PBBM, naniniwalang natupad na ng ICI ang mandato nito, pero wala pang desisyon kung bubuwagin ang komisyon

Naniniwala so Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na natupad ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang mandato nitong mag-imbestiga sa mga kuwestiyunableng flood control projects sa bansa.

Ayon sa Pangulo, kinukompleto na ng komisyon ang kanilang report matapos tipunin ang lahat ng kanilang natuklasan.

Kapag natapos ito, ipapasa ang ulat sa Department of Justice (DOJ) at sa Office of the Ombudsman para sa posibleng pagsasampa ng kaso kung may mapatunayang iregularidad.

Hindi naman direktang sinabi ng Pangulo kung bubuwagin na ang komisyon o kung papalitan ang mga bakanteng puwesto, pero iginiit niyang malaki na ang natapos na trabaho ng ICI at nagawa na nito ang tungkulin na ibinigay dito.

Itinatag ang ICI noong Setyembre 2025 para imbestigahan ang umano’y anomalya sa flood control projects.

Sa ngayon, pinamumunuan ito ng ICI Chairperson Andres Reyes Jr. matapos magbitiw ang dalawang dating commissioner.

Facebook Comments