PBBM, pinadadagdagan ang supply ng bigas sa mga Kadiwa stores

Pinadadagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang supply ng ibinibentang bigas sa mga Kadiwa ng Pangulo outlets.

Kasunod ito ng pagbisita ng Pangulo sa Trabaho at Serbisyong Pangkalusugan sa Bagong Pilipinas sa Dasmarinas, Cavite kung saan nakita niyang mabilis maubos ang ibinibentang bigas.

Ayon kay Pangulong Marcos, nais niya na maraming mga Pilipino ang makabili ng murang bigas mula sa pamahalaan. kaya naman inatasan nito si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na damihan ang supply ng murang bigas sa mga Kadiwa ng Pangulo.


Sa Kadiwa ng Pangulo sa Dasmarinas, pinilahan ang ₱29 na kada kilo ng bigas na pwedeng bilhin ng mga solo parent, senior citizen, Persons With Disability (PWD), at miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P)s.

Bukod sa Kadiwa, dinagsa ng 3,000 graduates ng 4Ps at benepisyaryo ng Assistance to Individuals In Crisis Situations (AICS) ang inilunsad na job fair ng DOLE, kasabay ng medical mission ng DOH, at mga benepisyong ibinibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Layunin ng pamahalaan na suportahan ang mga benepisyaryo sa paghahanap ng trabahong angkop sa kanila.

Facebook Comments