Wednesday, March 11, 2026

PBBM, pinadala na ang DMW sa Dubai para salubungin at tulungan ang mga OFW na inilikas mula Middle East

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Hans Leo Cacdac na magtungo sa Dubai upang personal na tutukan ang pagdating at pag-uwi ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) na lumikas mula sa gitna ng tensyon sa Middle East.

Ayon sa pangulo, may mga OFW na nag-land border crossing mula Israel patungong United Arab Emirates (UAE) upang makalabas sa apektadong lugar.

Dumating na rin ang ilang manggagawang Pilipino mula sa UAE habang bukas naman ang 16 pang OFW na manggagaling sa Israel.

Target umalis sa Fujairah sa UAE ang mga OFW sa March 13 sakay ng chartered flights at inaasahang makauuwi sa Pilipinas sa parehong araw o madaling araw ng March ‘
14.

Sinabi pa ng pangulo na tuloy-tuloy ang pag-monitor at pag-asikaso sa mga Pilipinong apektado ng lumalalang tensyon sa Middle East upang matiyak ang kanilang ligtas na pag-uwi sa bansa.

Facebook Comments