Friday, March 6, 2026

PBBM, pinangunahan ang paglulunsad ng “Trabaho at Negosyo” sa Pasay City

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang paglulunsad ng programang “Trabaho at Negosyo,” na layong magbigay ng mas maraming oportunidad sa trabaho at kabuhayan para sa mga Pilipino.

Dumalo sa aktibidad ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at pribadong sektor upang maghatid ng job opportunities, tulong sa negosyo, at skills training para sa publiko.

Ayon kay Pangulong Marcos, patuloy na pinalakas ang employment programs ng pamahalaan upang mas mailapit sa mga Pilipino ang trabaho at kabuhayan.

Noong nakaraang taon aniya ay nakapagsagawa ang gobyerno ng mahigit 2,300 job fairs, kung saan 74,000 job seekers ang natanggap sa trabaho.

Ngayong taon naman, nasa 47 job fairs na ang naisagawa at mahigit 2,400 aplikante ang natanggap agad sa trabaho o hired on the spot.

Bukod sa job fairs, inilunsad din sa programa ang mga livelihood at negosyo events pati skills training programs upang matulungan ang mga Pilipino na magkaroon ng mas maraming oportunidad para sa pag-unlad at pagpapabuti ng kanilang kabuhayan.

Facebook Comments