
Rumesbak si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa naging hirit ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na pagpatay sa ilang mga nakaupong senador para makapasok ang kaniyang mga ini-endorso sa halalan 2025.
Binitawan ni Pangulong Marcos ang kaniyang mga banat sa mismong balwarte ng mga Duterte sa Davao del Norte.
Ayon sa Pangulo, tila wala nang maisip na ibang solusyon ang kanilang mga kalaban sa lahat ng problema kundi ang gumamit ng dahas.
Gayunpaman, naiintindihan naman daw ng Pangulo ang kabilang partido dahil mabigat na kalaban ang kanilang tiket.
Siguro aniya ay nawawalan na sila ng pag-asang manalo kaya papatay na lamang sila ng tao.
Matatandaang sa proclamation rally ng PDP Laban ay humirit si dating Pangulong Duterte na patayin na lamang ang 15 senador para magkaroon aniya ng bakante para sa siyam na senatorial bet ng partido.









