Pagpapatupad ng sistema laban sa pamemeke ng PWD ID, suportado ng liderato ng Kamara

Buo ang suporta ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa plano ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magtatag ng isang unified Person with Disability (PWD) ID system.

Layunin nito na matuldukan ang paggamit ng pekeng PWD ID para makapandaya sa pagkuha ng diskwento.

Ayon kay Romualdez, ang pinag-isang PWD ID system ay dapat na secure, episyente at hindi basta-basta magagaya para masugpo ang malawakang paggamit ng mga pekeng ID kung saan dehado ang mga negosyo at iba pang mga establisyimento.


Sabi ni Romualdez, apekto rin nito ang mga lehitimong PWD na naiipit sa mahigpit na pagsusuri at kailangan pang bigyang-katwiran ang kanilang kapansanan sa tuwing susubukan nilang mag-avail ng mga benepisyong nararapat sa kanila.

Bunsod nito ay nananawagan si Romuladez sa lahat ng kaukulang ahensiya na mabilis na subaybayan ang pagpapatupad ng bagong sistema upang mahinto na ang matagal ng pag-abuso at pandaraya.

Facebook Comments