PBBM, sang-ayong hanapan ng pondo ang mga proyekto ng TESDA na wala sa 2025 budget

Suportado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang plano ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA na pag-aralan ang ilang mga opsiyon upang makalikom ng pondo para sa unfunded programs ng ahensya.

Sa pulong sa Malacañang kaugnay ng agency budget review sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act, natuklasan na bagama’t tumaas ng P20.73 bilyon ang budget ng TESDA sa mula sa dating P18.50-B sa National Expenditure Program, hindi naman napondohan ang ilang mahahalagang programa.

Kabilang dito ang paglikha ng Enterprise-based Training Office at pagtatatag ng bagong Regional Office para sa Negros Island Region.


Ayon sa pangulo, mahalaga ang skills development programs kaakibat ng pagpapatatag ng partnerships sa industry leaders, upang makalikha ng mas maraming employment opportunities.

Kaugnay nito, inatasan ng pangulo ang TESDA na pag-aralan ang mga istratehiya at tiyakin ang mga proyekto ay nakalinya sa mithiin ng administrasyon para sa inklusibo at tuloy-tuloy na paglago ng ekonomiya.

Patuloy na pinaninindigan ang administrasyon Marcos na gawing prayoridad ang edukasyon at pagsasanay upang mapabuti ang kalidad ng buhay ng bawat Pilipino.

Facebook Comments