Senado, hiniling sa PhilHealth na gawin na rin ang ibang mga ipinangakong reporma

Kinalampag pa ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go ang Philippine Health Insurance Corp., o PhilHealth na isakatuparan pa ang ibang reporma para sa ganap na full access sa healthcare services sa bansa.

Kaugnay nito ay ikinalugod ni Go ang bagong benefit package ng PhilHealth para sa outpatient emergency care services na epektibo na ngayong Enero.

Sakop na ng serbisyo ng PhilHealth ang mga outpatient sa ilalim ng Outpatient Emergency Care Benefit (OECB) package at hindi na kailangang hintayin na magpa-confine ng 24-hour bago masakop ng health benefit packages.


Ayon kay Go, sulit ang pangungulit ng Senado sa PhilHealth dahil kahit papaano ay inaksyunan ang mga hinaing na naisiwalat sa mga ginanap na pagdinig ng komite.

Tiniyak ng senador na hindi siya hihinto na kalampagin ang PhilHealth para maisakatuparan ang lahat ng mga pangakong ibinigay ng state-health insurer sa publiko.

Sa kabila naman ng kawalan ng subsidiya mula sa gobyerno, hinimok ni Go ang PhilHealth na gamitin ang kanilang reserve funds para hindi magkaroon ng delay sa serbisyo.

Facebook Comments