
Sinertipikahang “urgent” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang House Bill 8418 o panukalang batas na magbibigay ng kapangyarihan sa Pangulo na suspendehin o bawasan ang excise tax sa mga produktong petrolyo sa panahon ng national o global economic emergencies.
Nakasaad ito sa magkahiwalay na liham ni Pangulong Marcos at Executive Secretary Ralph Recto kay House Speaker Faustino Bodjie Dy III na ibinahagi ni House Ways and Means Committee Chairman at Marikina Rep. Miro Quimbo.
Ang panukala ay pasado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara at inaasahang maipapasa sa ikatlo at huling pabasa sa susunod na linggo.
Tugon ang panukala sa tumataas na presyo ng langis dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Facebook Comments










