Nanatili ang ugnayan pa rin ang gobyerno at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM matapos ang pambobomba sa Mindanao State University.
Siinabi ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasunod ng aniya’y pag- atake sa kapayapaan bilang paglalarawan sa pinakabagong insidente ng karahasan.
Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng national government sa kinauukulang lokal na pamahalaan para sa mabilisang aksiyon laban sa mga nasa likod ng malagim na insidente ng pambobomba.
Una rito ay nagpaabot na ng pasasalamat ang pangulo sa agarang pagtugon ng mga BARMM at ng mga concerned LGUs para sa mga biktima ng karahasan sa Mindanao.
Sinabi ng presidente, mga dayuhang terorista ang nasa likod ng malagim na insidente na kung saan ay inihayag ng AFP na anggulo ng retaliatory attack ang isa sa nakikitang motibo ng pambobomba.