PCG Aviation Force, nagsagawa ng aerial surveillance sa Metro Manila at Rizal

Gamit ang BN Islander plane ay nagsagawa ng aerial surveillance ang Philippine Coast Guard Aviation Force (CGAF) kaugnay sa pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Sinaklaw ng aerial surveillance ng Coast Guard Aviation Force ang Marikina, Rizal, at ang CAMANAVA o Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela.

Sa mga video at larawan na mula sa Coast Guard Aviation Force ay makikita ang lawak ng matinding pagbaha na idinulot ng Bagyong Ulysses lalo na sa bahagi ng Marikina City.


Sa ngayon ay patuloy pa rin ang evacuation at rescue operations ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa mga binahang residente sa Provident Village sa Marikina.

Tiniyak ng PCG na maililikas nila ang lahat ng na-trap sa nabanggit na lugar lalo na ang mga kababaihan at mga bata na agad nilang dinadala sa mga pinakamalapit na evacuation center kung saan may nakahandang pagkain para sa kanila at medical care.

Samantala, inihahanda na rin ng PCG ang dalawang airbus light twin engine helicopters nito para naman magsagawa ng aerial rescue operation.

Facebook Comments