PCG, nagdala na rin ng mga pagkain at inuming tubig para sa pangmatagalang rescue operations sa mga binaha sa Isabela at Cagayan

COURTESY: PHILIPPINE COAST GUARD

Bukod sa mga kagamitan sa pag-rescue, nagbitbit din ang Philippine Coast Guard (PCG) ng mga pagkain at inumin para sa kanilang pangmatagalang rescue operations sa Cagayan at Isabela.

Kabilang din dito ang 30 piraso ng folding bed, bukod sa daan-daang bote ng purified drinking water, at ilang kahon ng food supplies para matiyak na may pantawid ang mga rescue personnel ng PCG hanggang sa matapos ang operasyon.

Una nang tumulak patungong Cagyan at Isabela ang mga sumusunod na tauhan ng PCG na kinabibilangan ng:


– 115 rescue personnel mula sa iba’t-ibang unit ng PCG
– Dalawang K9 search and rescue (SAR) unit
– Dalawang bus (3 drivers each)
– Dalawang M-35 truck (3 drivers each)
– Isang 12-wheeler boom truck ng PCG Auxiliary (3 drivers)
– Dalawang rubber boat
– 10 portable generator set
– 44 drum ng gasolina

Facebook Comments