PCG, nagkasa ng search and rescue operation sa nawawalang 14 na mangingisda sa Pangasinan

Naglunsad ng search and rescue operations ang Philippine Coast Guard (PCG) kasunod ng ulat na pagtaob ng bangka ng 14 na mangingisda sa karagatang sakop ng Pangasinan.

Ayon kay PCG spokesman Commodore Armand Balilo, naka-deploy na sa Infanta, Pangasinan ang mga tauhan ng PCG District Northern Luzon katuwang ang Philippine National Police at ang lokal na pamahalan.

Hatinggabi ng Miyerkules, October 7, nang tumaob ang Aqua Princess sakay ang 16 na crew kabilang ang kapitan ng bangka na si Eddie Ariño.


Kwento ng dalawa sa mga crew nito na sina Pedro Manalo at Jerby Regala, inutusan sila ng kanilang kapitan na maglayag gamit ang kanilang service boat para humingi ng tulong.

Kaninang umaga lang nang makarating sa Infanta ang dalawa at agad na iniulat sa mga otoridad ang insidente.

Facebook Comments