PCG, naglabas ng travel advisory sa Aklan

52

Naglabas na narin ang Philippine Coast Guard (PCG) ng travel advisory sa mga sasakyang pandagat sa Aklan.

Sa naturang travel advisory ng PCG, nilinaw nito na ang pinapayag lamang na maglayag ay ang mga sasakyang pandagat mula Batangas patungong Caticlan sa Aklan at vice versa ay ang mga cargo vessel at bawal ang passenger vessels


Nananatili namang kanselado ang biyahe ng mga motorboat sa Looc, Sta. Fe patungong San Jose, Rombon at Caticlan.

Kanselado rin ang biyahe ng mga motorbanca mula sa Dumaguit Ferry Terminal patungong Batan port at vice versa.

Limitado naman ang oras ng operasyon ng mga motorbanca mula Caticlan Jetty Port patungong Cagban Jetty Port mula alas sais ng umaga hanggang alas sais ng gabi.

At ang tanging papayagan lamang na pumalaot ay ang mga residente na may quarantine pass, mga manggagawa na may company ID at kailangang nakakasunod sa screening protocol sa mga pantalan.

Facebook Comments