Nilinaw ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi lang 800,000 litro ng industrial oil ang karga ng lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.
Ayon kay PCG Spokesperon Rear Admiral Armand Balilo, nasa 900,000 litro ang nakalagay sa deklarasyon ng oil tanker.
Pero aniya, hindi overloaded ang barko.
Sa ngayon, hinihintay pa ng PCG ang resulta ng imbestigasyon kung lumubog ang barko dahil sa kapabayan o kung maituturing itong kaso ng force majeure.
Facebook Comments