PCG: Phil. Navy may pananagutan sa pagkamatay ng 2 Vietnamese fishermen

Manila, Philippines – May pananagutan ang Philippine Navy!

Ito ang resulta ng imbestigasyon ng Philippine Coast Guard sa pagkamatay ng dalawang Vietnamese fishermen noong September 22, sa Pangasinan.

Sa ulat ng vera files, base na rin sa imbestigasyon ng pcg, ang Philippine Navy ang responsable sa pagkamatay ng dalawang Vietnamese fishermen.


Tinukoy dito ang 1999 ruling ng International Tribunal on the Law of the Sea (ITLOS) kung saan nakasaad na hindi maaaring gumamit ng dahas at hindi dapat magpaputok ng baril nang malapitan sa mga pag-aresto sa karagatan.

Ayon pa sa PCG, nangyari ang insidente 39 nautical miles ng Bolinao, Pangasinan na nakapaloob sa exclusive economic zone ng Pilipinas.

Sa ilalim ng Law of the Sea Convention, walang “sovereignty” ang bansa sa nasabing lugar at maaari lamang gamitin ang sovereign rights.

Nangangahulugan ito na hindi maaaring gamitin ang batas gaya ng revised penal code maliban sa batas at patakaran na may kinalaman sa “fisheries” at “marine environmental protection.”

Tiniyak naman ng Department of Foreign Affairs sa Vietnam na pananagutin ang mga responsable sa naturang insidente.

Facebook Comments