PCG rescue teams, nananatiling abala sa evacuation at rescue operations sa mga binahang lugar sa Metro Manila at kalapit na probinsya

Umaabot na ngayon sa 31 team na binubuo ng 248 mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang naka-deploy ngayon at nagsasagawa ng evacuation at rescue operations sa mga binahang lugar sa Metro Manila gayundin sa Montalban at Rodriguez sa Rizal at Cavite dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Bukod sa search and rescue gears, may dala rin ang PCG teams na 10 rubber boats, 11 multipurpose vehicles, at 3 truck.

Ang nabanggit na PCG team ay nagsasagawa ngayon ng puspusang paglilikas at pag-rescue sa mga residente na na-trap sa mataas na baha sa Provident Village sa Marikina City.


Dito ay inuna nilang ilikas ang mga matatanda at binalikan nila pati mga alagang hayop na kanila ring iniligtas.

Ongoing din ngayon ang evacuation at rescue operations sa mga residenteng nalubog sa baha sa Barangka at sa Tumana na parehong sa Marikina City.

Bukod dyan ay may walong team pa na binubuo ng 74 tauhan ang PCG sa headquarters nito sa Port Area, Manila na naghahanda na rin para palakasin ang pwersa ng kanilang evacuation at rescue operations.

Facebook Comments