Binuksan na ng Philippine Coast Guard (PCG) District Bicol ang headquarters nito para magsibling evacuation center ng mga biktima ng Bagyong Paeng.
Nasa PCG Bicol headquarters ang humigit-kumulang 150 na residente na nakatira malapit sa dagat sa Barangay Rawis, Legazpi City, Albay.
Sinimulan silang ilikas ng mga tauhan ng PCG kahapon matapos itaas ang Signal No. 2 sa Bicol Region dahil sa Bagyong Paeng.
Sinisiguro ng mga PCG personnel na maibibigay ang kanilang pangangailangan tulad ng pagkain, inumin, at face mask.
Nagbibigay rin ng health check-up ang mga PCG medical officers para mabantayan ang kalusugan ng mga pamilyang apektado ng hagupit ng bagyo.
Facebook Comments