Preemptive evacuation sa limang barangay sa QC, ipinag-utos ng LGU

Ipinag-utos na ng Quezon City LGU ang preemptive evacuation sa limang barangay sa Quezon City.

Kinabibilangan ito ng Barangay Tatalon, Roxas, Doña Imelda, Bagong Silangan, Vista Real subdivision at Barangay Batasan Hills.

Kasunod na rin ito nang ipinalabas na heavy rainfall warning ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaugnay sa epekto ng Bagyong Paeng.


Nakapasailalim ngayon ang Metro Manila sa red warning.

Sa ilalim ng red warning, mararanasan ang malalakas na pag-ulan na maaaring magdulot ng pagbaha sa mga flood prone areas.

Facebook Comments