QC bus service, suspendido dahil sa Bagyong Paeng

Suspendido ang operasyon ng QCity Bus Service ngayong araw dahil sa epekto ng Bagyong Paeng.

Pero, ayon sa QC LGU, mayroon pa ring naka-standby na mga unit na gagamitin sa rescue o evacuation ng mga residente.

Gayundin para sa pag-shuttle ng mga stranded na pasahero.


Ang libreng sakay ng QCity Bus Service ay may layon na makapagbigay ng serbisyong pangtransportasyon sa mga estudyante at manggagawang residente ng lungsod.

Ito’y upang gumaan ang gastusin ng mga ito partikular sa pag-commute sa gitna ng nagmamahal na pamasahe.

Facebook Comments