Nakaalerto ngayon ang philippine coast guard sa lahat ng mga panatalan pata bantayan ang mga produktong karne na apektado ng African Swine Fever o ASF na posibleng idaan sa karagatan.
Kaugnay dito inispeksyon ng mga tauhan ng Surigao del Sur Coast Guard Station ang isang vessels o barko na may kargang manok at karne ng baboy para tiyakin na ang nasabing produkto na walang asf at maprotektahan din ang hindi makahawa sa naturang lalawigan.
Base sa ginawang inspeksyon ng PCG negatibo naman sa ASF ang mga karne ng baboy at manok kaya pinayagan nila itong maibaba para mabenta sa mga pamilihan.
Layun ng naturang pagpapaigting ng seguridad para na din sa maritime Safety measures ng PCG at sa pagsuporta na rin sa pagsusumikap ng lokal na pamahalaan na mapigilan ang pagkalat ng ASF sa Surigao del Sur.
Nabatid na sa kasalukuyan ay naapektuhan na rin ng infection ng ASF ang mga lugar malapit sa areas ng Mindanao.
Tiniyak din ng PCG na tuloy tuloy ang kanilang gagawing monitoring at pag-inspeksyon sa mga barkong dumarating na may kargang mga karne ng baboy para malaman kung ang mga itoy apektado ng (ASF).