PCG, tuloy pa ang paglilikas sa mga residente ng Taal Island na naapektuhan ng seismic activity ng bulkan

Nagpapatuloy pa rin ang paglilikas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga residente ng Taal Island dahil sa muling pagtaas ng seismic activity ng Bulkang Taal.

Katuwang ng PCG ang Philippine National Police (PNP) Talisay, Bureau of Fire Protection (BFP) Talisay at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Ayon sa PCG, maliban sa pagpapalikas sa mga residente, ininspeksyon din nila ang paligid ng isla para makapagsagawa ng karagdagang precautionary measure sa mga susunod na oras at araw.


Gamit ng PCG Batangas ang limang water assets para mailikas sa ligtas na lugar ang mga residente.

Facebook Comments