PCG, walang natanggap na distress call tungkol sa salpukan ng barkong Tsina at Pilipinas sa Recto Bank

Walang natanggap na distress call ang Philippine Coast Guard (PCG) hinggil sa pagbangga ng isang Chinese vessel sa isang barkong pangisda ng Pinoy.

Ayon kay PCG Spokesperson Captain Armand Balilo, na hindi sila nakatanggap na kahit anong distress call o paghingi nang tulong tungkol sa sinapi ng Filipinong mangingisda sa Recto Bank.

Nalaman na lang nila ang nasabing insidente sa kanilang koordinasyon sa Task Force West on the West Philippine Sea at sa report galing sa mga pamilya ng mga mangingisda


Dagdag pa ni Captain Balilio, na sa oras na nakatanggap sila ng distress call agad silang rumiresponde.

Aminado naman si Balilio, na hihirapan silang bantayan ang coastline ng bansa dahil napakalaki nito pero tiniyak ng PCG na gagampanan nito ang sinumpaang tungkulin.

Sa ngayon, nasa 10 lamang ang barko ng Coast Guard at ilan sa mga ito ay galing pa mula sa Japan at France na kanilang ginagamit nila sa pagpapatrulya.

Facebook Comments